Saturday, June 11, 2011

TIMEOUT!

Galing sa mga araw na masama ang pakiramdam, maagang nagsimula ang araw ko. Hindi pa masyadong maganda ang pakiramdam ko. Masakit ang likod. Mabigat ang ulo. Parang barado ang mga ugat sa utak. Basta kakaiba. Di ko ma-explain.
Dalawa lang naman ang goal ko ngayong araw:
1.       Pumunta sa Nuga Best – umaasang mapagaling ang kung anu-anong nararamdaman
2.       Pumunta sa Smart Wireless Center – maipaayos ang naglolokong SIM card
Dahil ako ay isang napakaswerteng nilalang, sarado ang Nuga Best at offline ang Smart Wireless Center sa SM Muntinlupa. Ang saya-saya! Pero… hahayaan ko na lang bang masira at mawalan ng saysay ang araw ko? Syempre hindi. Gawin nating productive ang araw na ‘to. Paano? Ito ang checklist:
1.       Kumain ng mga paboritong pagkain: Yogurt Ice cream at Shawarma with extra cheese. Sarap!
2.       Bumili ng mga toiletries. Ang tanging mga bagay na nabibili ko para sa sarili ko dahil required.
3.       Magvideoke. Matagal na rin akong di nakakapagvideoke. Nung kabataan ko, nung medyo bago-bago pa lang kami sa office at masaya pa kami ng mga officemates-slash-tropa halos weekly kami nagvivideoke. Nalagas ang officemates-slash-tropa at nawala ang videoke nights L Napansin ko lately, sa isip na lang ako kumakanta. Sa isip kung saan hindi ako sintunado. Namimiss ko na marinig ang sintunado kong boses kaya kailangan kong kumanta ngayon. Hehe.
4.       Palitan ng housing ang cellphone. In fairness, 6 years ang itinagal niya. Not bad.
5.       Bumili ng bagong damit. January pa ko last bumili ng damit. 6 months na nakaraan kaya pwede na sigurong bumili uli. Yes, saktong sale! Nakabili ako ng bagong blouse pang-office. 399 pesos! Hindi presyong sale ‘to para sa kin pero sige na nga, pwede na rin.
6.       Maglakad-lakad sa mall. Window shopping ng pangarap kong TV para sa kwarto at basa-basa ng mga magazines sa National Bookstore.
7.       Bumalik sa Smart Wireless Center. Tingnan mo nga naman, online na! Note: Pinacheck ko ang SIM card ko at hindi raw ito sira. Hindi ko alam kung paano nangyaring may signal na ang 2 weeks nang sira at sinubukan ko na sa iba’t-ibang cellphone na SIM card. Akala siguro nung babae sa counter ako yung nagloloko at hindi ang SIM card.
Ayan… hindi naman pala ganun kasama ang araw na ‘to. Pwede ko siyang tawagin na “Araw para sa Sarili.”Ok rin naman palang lumabas at gumala mag-isa. Dapat siguro every month merong ganito.

No comments:

Post a Comment