Tuesday, May 10, 2011

START and GO...

Sa wakaaaaaaaaaassssss!!! Yahoo!!! Ang tagal ko na gustong gawin 'to. Ang tagal ko na rin  hindi nakakapagsulat. Di ako magtataka kung parang text message o jejemon maisulat ko dito. Bakit ba ngayon ko lang 'to ginawa? Hmmm... ah kasi hindi ko alam kung paano gumawa ng blog site. Saka wala pala kong matinong internet sa bahay kundi yung Globe Tattoo ko na madalas 0.62 kbps lang pumapalo. Sayang ang load at mabuburyo lang ako.

Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong i-post. Isa-isa lang. Mahina ang kalaban. Di rin ako makapag-isip nang matino ngayon. Mahirap mag-isip kapag halos wala ka ng kasama sa office at hindi mo alam kung anong oras ka makakauwi dahil wala pa yung kasabay mo umuwi. At lalong mahirap mag-isip kung katext mo yung kapatid mo na nanonood ng concert ni Justin Bieber. I quote, "Ate, nasa gold ako. Ang daming artista dito. Di mo na maintindihan sa sobrang lakas ng sigawan." Ok fine. Konting pang-iinggit pa. Akala mo naman aamin ako na gusto ko rin makita at mapanood magperform ng live si Justin Bieber! Sus!


Secret lang to ha: Nanood ako ng advance screening ng Never Say Never. One week yata akong dinapuan ng Bieber Fever. Kung ang symptoms nun eh manood ng mga videos niya sa youtube, makinig ng mga kanta niya, at sabihin sa mga tao na panoorin nila yung pelikula dahil magaling pala si Justin Bieber... positive nga ako. Syet! Hehe.


What a way to start blogging! First entry ko halos si Justin Bieber ang topic... tsk tsk tsk! Parang may mali... Dapat yata ang title ng unang entry ko, "Baby, Baby, Baby Oh!!!"

This entry is brought to you by:

No comments:

Post a Comment